Tuesday, April 14, 2020

Labing Apat

Labing Apat

Muli nating balikan 
Ang ating nakaraan
Labing apat na taon nakalipas
Wala pa rin tayong kupas πŸ€£
Tawang tawa ako sa rhyming
Dapat laging nasa timing
Sobrang seryoso
Akala mo naman may papremyo

Pero hindi nga,
Malapit na tayong mag labing apat na taon
Naisip ko ano nnmang pakulo gagawin ko
So eto na nga,
Sisimulan ko mula ikalawa ng Abril
Bawat araw iisip ng dahilan 
Kung bakit andito pa rin
Bawat araw hanggang umabot sa 15.

Una, mahal kita dahil malaki ang puso mo hindi lang sakin kundi sa lahat ng nakapaligid satin. πŸ˜ 422020

Pangalawa, mahal kita dahil mahaba ang pasensya mo sa ugali ko kahit sobrang tampong tampo ka na. πŸ₯Ί 432020

Pangatlo, mahal kita dahil masarap kang magluto. πŸ€€ 442020

Pangapat, mahal kita dahil napapatawa mo ako. πŸ˜‚ 452020

Panglima, mahal kita dahil tanggap natin ang kakulangan ng bawat isa. πŸ₯³ 462020

Panganim, mahal kita dahil kahit magkalayo man tayo, araw araw mo pa din pinaparamdam na mahal mo ako. ☺️472020

Pangpito, mahal kita dahil marami tayong natututunan sa bawat isa. πŸ€“ 482020

Pangsiyam, mahal kita dahil hanggang ngaun dka pa rin bumibitaw. πŸ₯° 492020

Pangsampu, mahal kita dahil patuloy kang sumusuporta sa mga plano ko kahit minsan dko alam kung kaya ko. πŸ˜…4102020

Panglabing isa, mahal kita dahil kahit ilang beses tayong magaway, nagagawa pa rin nating magpatawad. πŸ˜Œ4112020

Panglabing dalawa, mahal kita dahil pinagkakatiwalaan mo ako. πŸ˜³ 4122020

Panglabing tatlo, mahal kita dahil isa kang malaking pruweba na kahit papano ay mga lalaki pa rin na gaya mo na kayang magmahal ng totoo. πŸ˜ 4132020

Panglabing apat, mahal kita dahil sa kahit na anong pagsubok alam kong kakayanin nating dalawa. πŸ˜‰ 4142020

At sa bandang huli, mahal kita dahil ikaw ay ikaw. 4152020 MALIGAYANG IKA-LABING APAT NA ANIBERSAYO LAKAY. ❤️

Alam kong d naman talaga kelangan ng dahilan kung bakit mo mahal ang isang tao kung nagmamahal ka talaga. Basta mahal mo, mahal mo at yun ang mahalaga. πŸ˜˜

-dhendhen ❤️

No comments:

Post a Comment