Tuesday, August 14, 2012

Tagalog naman. :)


Ikaw ang laging nasa isip
Laging laman ng panaginip
Hindi man ikaw ang sinisinta
Bakit kulang pag wala ka?

Sa bawat komposisyon na ginagawa
Mukha mo ang laging nakikita
Tama ba tong aking nadarama?
O sadya yatang mahal na kita

Gaya ng hindi pagtila ng ulan
Nadarama ko para sayo'y walang hanggan
Ganto din kaya ang iyong pakiramdam
O ako lang talaga ang nakakaramdam?

Minsan naisip kong itigil na nga ito
Ngunit bumabalik lagi ang tanong ko
"Pano mo iiwan ang taong hindi naman naging sayo?"
"Tanga ka ba? o niloloko mo lang sarili mo?"

Respeto ang tawag mo sa iyong pagiwas
Ngunit kitang kita naman ang iyong nadarama
Sa tuwing kasama ko ang aking sinisinta
Ikaw ay hindi makatingin o makatawa

Ako ay sobrang nalilito
Nagugulo ang ikot ng aking mundo
Hanggang ganto na lang talaga tayo
Hanggang matanggap natin ang sitwasyong ito

Pangako kong di kita iiwanan
Sa bawat landas na iyong dadaanan
Hinding hindi kita bibitawan
Sapagkat kapatid na lang ang ating turingan 

No comments:

Post a Comment